‘Mangkukulam’ tinodas

Nasawi ang isang babae sa Tabina, Zamboanga del Sur, nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin dahil umano sa pangkukulam, iniulat ng pulisya.
Agad nasawi si Felisa Paglinawan, residente ng Purok Dalaman, Brgy. Doña Josefina, sabi ni Chief Insp. Helen Galvez, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula regional police.
Pinagbabaril si Paglinawan sa kanyang bahay pasado alas-11 ng gabi Miyerkules.
“Investigation indicated that the victim was mistakenly rumored in their barangay to have been engaged in witchcraft, or locally known as ‘mananaot,’ which is believed to be the motive of the [killing],” ani Galvez, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.
Nakatagpo ng apat na basyo at tatlong slug ng kalibre-.45 pistola sa likod ng bahay ng biktima.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng salarin, ani Galvez.

Read more...