Sa isang service report, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na iniulat ng operator ng tren ang usok malapit sa pintuan ganap na ala-1:42 ng hapon.
Pinaglakad ang mga pasahero sa riles ng tren ng Araneta Center-Cubao Station sa MRT-3.
Nagdulot ito ng limitadong operasyon ng MRT-3 mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue station sa southbound at northbound lane.
Ayon sa service report, posible sanhi ang usok ng electronic components sa ilalim ng mga upuan.
Sinabi ni MRT-3 Media Relations Officer Aly Narvaez na nagpadala na ng isang trak ng bumbero sa harap ng Mega Q Mart para apulahin ang usok mula sa tren.
Idinagdag ni Narvaez na sumakay si MRT-3 Operations Director Michael Capati sa apektadong tren para masuri at ibinalik sa deput para sa kaukulang imbestigasyon.