“Security arrangements by both PSG (Presidential Security Group) and Indian police are in place. We will all be there for and with him,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasama ng Pangulo sa kanyang biyahe sa India.
Ito’y matapos ang ulat na nagdulot ng security nightmare para sa sa India ang presensiya ni Duterte sa harap naman ng inteligence report na hinahating siya ng ISIS matapos naman ang naging operasyon ng gobyerno sa Marawi City.
Ayon pa sa ulat, planong gumanti ng ISIS kay Duterte dahil sa pagkakapatay kay Isnilon Hapilon, ang lider ng Abu Sayyaf at itinuturing emir ng IS Southeast Asia.
Matatandaang umabot ng mahigit limang buwan ang operasyon ng militar sa Marawi matapos naman ang paglusob ng mga miyembro ng Maute at ng Abu Sayyaf, dahilan para magdeklara si Duterte ng martial law sa buong Mindanao.
Pinalawig pa ni Duterte ang batas militar hanggang Disyembre 31, 2018 sa harap ng patuloy na banta ng mga terorista.