Angelica may bagong manliligaw?

ANGELICA PANGANIBAN

SINO kaya ang nagpadala ng bouquet of flowers kay Angelica Panganiban? Ito na kaya ang bagong manliligaw ng aktres?

Sa kanyang Instagram, ipinost ng dalaga ang litrato ng bulaklak na may caption na: “Huy Salamat (na may hug emoji)”.

Sinundan pa ito ng isang quote mula kay Alexander den Heijer, “When a flower doesn’t bloom you fix the environment in which it grows, not the flower.”

Sa huling panayam kay Angelica sinabi nitong handa na siyang magmahal uli, “Puwede na siguro. Kaya na, kaya na. May kaba lang talaga na eto na naman.”

Read more...