Cacai, Ahron magtatambal sa ‘hugot movie’

CACAI BAUTISTA AT AHRON VILLENA

PAGKATAPOS masangkot sa kontrobersiya at intriga, kinumpirma nina Ahron Villena at Cacai Bautista na sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal daw sila sa isang bonggang pelikula.

Ibinalita ni Ahron sa isang panayam na “Aso’t Pusa” ang magiging title ng gagawin nilang movie ni Cacai.

Kuwento naman ng komedyana, “Sa fans ng Ahkai, ang mga nakigulo sa amin sa away-bati namin, ito na ang hinihintay niyo. Finally, magkakaroon na kami ng isang project together, at ito ay isang full-length movie.”

Wala nang ibinigay na detalye ang dalawa tungkol sa kanilang proyekto pero siguradong isa itong romantic-comedy movie na punumpuno ng hugot tungkol sa pakikipagrelasyon.

Kung matatandaan, nagkapalitan ng maaanghang na salita sina Ahron at Cacai nu’ng kasagsagan ng mga chika tungkol sa tunay nilang relasyon. Inamin ng komedyana na totoong na-in love siya kay Ahron pero ipinagdiinan ng aktor na, “There was never an us.”

Read more...