PINAKATAMANG sagot sa mga nangungutya at nanglalait sa kanya ang ginawa ni Asec Mocha Uson.
Isinoli-ipinasoli niya ang parangal na kusang-loob namang ibinigay sa kanya ng Alumni Association ng University Of Sto. Tomas.
Masyado siyang minaliit ng mga estudyante ng unibersidad, kaliwa’t kanang upak agad ang napala niya pagkatapos tanggapin ang award, kaya tama lang na ipasoli na ni Asec Mocha ang kontrobersiyal na parangal.
Naging underdog ang dating ng singer-dancer sa kontrobersiyang ito, mas maraming kumampi at nakisimpatya sa kanya, binimbang ng kanyang mga ka-DDS ang mga nangungutya sa kanilang kasamahan.
Tama ang obserbasyon ng isang tagasimpatya ni Asec Mocha na masyado raw mabenta ang alcohol ngayon, baka raw magkaubos ang alchol sa mga grocery at drugstores, dahil sa dami ng mga nagmamalinis.
Hindi niya naman hiningi ang parangal, ibinigay ‘yun sa kanya nang kusa dahil alma mater niya ang UST, ano naman ang kasalanan ni Asec Mocha sa isyung ito?
‘Yun ang pinakatamang paraan. Isoli na lang ang award para manahimik na ang mga taong wagas kung makapanglait kay Asec Mocha Uson.