DU30 nangakong aalamin ang buong katotohanan sa Mamasapano

MULING nangako si Pangulong Duterte na aalamin niya ang buong katotohanan sa naging operasyon sa Mamasapano, matapos namang gunitain ang ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque titiyakin ni Duterte na hindi na mauulit ang nangyaring insidente.

“President Rodrigo Roa Duterte does not wish a repeat of such a waste of lives and promising future of gallant Filipinos even as he vows to uncover the truth behind this botched operation and find a just closure for the bereaved families who lost a husband, father, brother, or son,” sabi ni Roque.

Nauna nang inilabas ni Duterte ang Proclamation No.164 na nagdedeklara sa Enero 25 bilang A Day of National Remembrance.

“The nation remembers the heroic sacrifice of the 44 uniformed personnel of the Philippine National Police Special Action Force,” ayon pa kay Roque.

Aminado si Roque na mailap pa rin ang hustisya par sa SAF44.

“We call on all members of the police today to look back to the sacrifice of their fallen colleagues. Honor their memory by reliving their values of integrity and courage as you perform your duty to serve and protect the nation. To our people, let us offer the most solemn prayer for our Fallen SAF heroes. We also pray for their bereaved families that their grief may soon be appeased through the attainment of justice,” dagdag ni Roque.

Read more...