Mocha pinagtawanan, nilait matapos ‘ilipat’ sa Naga ang sumabog na Bulkang Mayon

MOCHA USON

MOCHA Uson had netizens laughing hard, unwittingly, that is, when she MUTTERED this statement recently: “Ang pinakamahalaga pa, ‘yang nangyayari sa Naga, ‘yang pag-aalburoto ng Mayon Volcano. Dapat doon nakatuon ang ating mga balita.”
Matinding panlalait ang inabot ni Mocha mula sa netizens. She was berated to SMITHEREENS.
“Baka naman, na-misplace lang yung sentido nya. Hehehe!”
“Oh I see. I didn’t see this. I have no interest in some people. So even if I see their names I don’t read it. She is one. So now ko lang pinanood to. The more I am convinced she is one irrelevant creature.”
“In a stunning news that shook the foundations volcanology and seismology, Assistant Secretary and ex-Thomasian Awardee Mocha Uson says that Mayon Volcano is now in Naga City.”
“Buti na lang isinauli yung award cause it is indeed a disgrace proven by ignorance.”
“Nasoli award pero yung prestige di nasoli! Parang trophy isinoli sayo pero ikaw pa rin ang champion sa mga mata ng hurado! SINTIDO KOMON LANG YAN!”
“Nasa Metro Manila na rin ang Mayon. Nasa Pasay malapit sa airport!”
“Sa laki ng pasahod namin sa yo, sana naman budburan mo ng iodized salt mga kinakain mo!!!”
“Queen of fake news talaga si ASec.”
“Makauwi nga sa probinsya ko balita ko may bago kaming bulkan! #NagaCity.”
“News update: Mga DDS sa Naga nagsimula nang lumikas dahil sa balita ni Mocha.”
Aware of her own GAFFE, Mocha posted this message on her blog: “Piyesta na naman ang mga DISENTE/DILAWAN dahil sa pagkakamali na naman ni Mocha!
“Nanawagan tayo na tulungan ang mga kababayan natin na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Mayon. Ngunit ang pinagtuonan nila ng pansin ay ang pagkakamali ko na nasabi kong NAGA kesa ALBAY.
“Wala pong excuse sa aking pagkakamali. Pasensya na po. Mas pagbubutihin ko sa susunod.
“Sa mga gustong pabagsakin tayo, pasensiya na po dahil hinding-hindi mangyayari yan. Dahil kahit upak-upakan niyo ako ay babangon at babangon ako at magpapatuloy. Kahit yurakan niyo na ang pagkatao ko at ipa-trending pa sa Twitter.”

Read more...