Horoscope, January 25, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging makulay ang araw na ito. Magsimba muna bago i-celebrate ang iyong kaarawan upang sa pinansiyal, dagdag na pagkakakitaan ang mabubuksan. Sa pag-ibig, mas mainit na romansa ang inihahanda ng kasuyon mahilig. Mapalad ang 2, 16, 22, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi dapat katamaran ang mga gawaing pagkakaperahan, tapusin na agad. Kung bibilisan mo ang lahat ng iyong ginagawa mas bibilis din ang dating ng pera. Sa pag-ibig, pahinga muna sa romansa, mag-ipon ng lakas para sa nalalapit na buwan ng Pebrero. Mapalad ang 7, 16, 18, 26, 34, at 40. Mahigawa mong mantra: “Aum-Nahatha-Mandala”. Green at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Mahalaga ng ginagawa mong pagtulong ng walang hinhintay na kapalit at pagtulong na hindi mo pinagyayabang. Nakikita ng nasa itaas ang lahat ng iyong mga ginagawa, kaya naman dobleng biyaya at mga pagpapala ang ibabalik sa iyo ng langit. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sari-Kara-Sari-Carya.” Yellow at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — May magte-text o kaya naman’y mag p-pm sa FB, mula sa ibang bansa may matatanggap kang kakaibang regalo, wag ng umarte arte pa sunggab agad. Sa pag-ibig, nakakikilig ang pagkikita ninyo ng isang taong espesyal sa puso mo. Mapalad ang 5, 15, 20, 29, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Ananda.” Blue at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pinansyal pagpasok na pagpasok ng buwan ng Pebrero mas maraming biyaya ang hindi inaasahang matatanggap. Sa pag-ibig, dobleng kayod ang kailangan, upang sa araw ng mga puso higit na mapaligaya ang minamahal. Mapalad ang 9, 18, 25, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agiel, Zazel, Ophiel.” Blue at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Mas mainam kung sa taong iyo ng 2018 ay lagi kang gigising ng maaga at tapusin na agad ang mga gawaing may kaugnayan sa salapi upang mas mabilis na umunlad ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, wag papatay-patay, romansahing maigi ang minamahal upang wag na siyang mahanap ng iba. Mapalad ang 3, 13, 27, 38, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “ Nakiel, Kedemel, Hagiel.” Red at maroon ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi dapat tumigil hanggang magtagumpay. Sumugod ng sumugod hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, tandaang ang umaayaw ay hindi nagwawagi at ang nagwawagi ay hindi umaayaw. Mapalad ang 5, 18, 23, 36, 45, at 44. Mahiwaga mong mantra: “I will live this day as if it my last”. Orange at violet ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Uso ang sakit ngayon! Mag-relaks-relaks, upang wag maubos ang salapi sa pagpapagamot. Sa pag-ibig, tandaang sex at romansa ang pinaka-mabisang pampapalakas ng immune system. Mapalad ang 3, 18, 21, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Green at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Ang payapang isipan ay nagdadala ng isang maunlad na pamumuhay. Sa pag-ibig, hayaan mong ang ideya ng kasuyo ang siya namang masunod. Wag ka ng komontra para di na kayo makagalit pa. Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yantra-Migeta-Dosha.” Violet at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Alam mo ba ang sikreto ng pagyaman? Oo, ang mga matatapang ang mas mabilis na yumayaman. Kaya malaki din ang pag-asa mong yumaman, dahil matapang ka. Sa pag-ibig, dahil sa iyong katapangan, nakahahalata na ang iyong kasuyo na ikaw palagi ang nasusunod. Mapalad ang 4, 19, 27, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Egosum-Timbre.” Red at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pag-ibig, wag tanggihan ang kasuyong humihingi ng pera, dahil bukod sa romansa ang pera ay nakapagbibigay din ng ligaya. Sa pinansyal, tuloy ang pasok ng mas malaking kita. Mapalad ang 6, 18, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Maroon at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Alalahanin mong hindi masamang magpayaman, kaya lang dapat mo ring bigyan ng sapat na panahon ang iyong pamilya. Aanhin ang limpak-limpak na salapi kung broken family ka naman? Mapalad ang 8, 19, 28, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Olive green at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Mag-ipon ng sapat na salapi bago simulan ang binabalak na negosyo. Wag na wag gagawing puhunan ang galing sa utang. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na ang pakikipag-date sa kasuyo sa nalalapit na Valentine day. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 34, 43. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Grehan.” Gray at red ang buenas.

Read more...