Marian tuloy ang pagtulong sa mga may bingot


BINULABOG ni Marian Rivera ang shoppers sa Kultura Filipino nang pumasyal siya roon nitong nakaraang araw.

Nataranta ang mamimili dahil hindi nila akalaing makikita nila in person ang bida ng Super Ma’am.

Ang Kultura Filipino ang isa sa endorsements ni Yan Yan at paborito niyang gamitin ang produkto nila. Itiniterno niya ito minsan sa ilang damit niyang imported dahil wala namang restrictions pagdating dito ang store.

Of course, pinagbigyang lahat ni Yan ang buyers na gustong magkaroon ng selfie sa kanya. Bahagi rin kasi ng proceeds sa items na binili ay mapupunta sa advocacy ni Marian na tulungan ang mga batang may bingot.

Read more...