Mayon evacuees 70,000 na | Bandera

Mayon evacuees 70,000 na

John Roson - January 24, 2018 - 07:38 PM
Aabot na sa 70,000 katao ang nagsilikas dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Mayon Volcano sa Albay, ayon sa mga otoridad Miyerkules. Nasa 59,114 katao na ang nasa loob ng mga evacuation center habang 9,058 ang nakikisilong sa mga kaanak at kaibigan, ayon sa tala ng Office of Civil Defense-Bicol, Miyerkules ng hapon. Sa tala naman ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, sinasabing 72,091 katao na ang nagsilikas. Apektado ng patuloy na pagbuga ng abo at lava ng bulkan, pati na rin ng pagpapalikas ng mga residente, ang 21,479 mag-aaral sa Albay. Ito’y dahil mayroong 24 paaralang nasa loob ng 6-7 danger zone, at 519 classroom sa 41 paaralan ang ginagamit bilang evacuation center, ayon sa OCD.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending