Sulat mula kay Elvira ng Barangay Linangcob, Kidapawan City
Dear Sir Greenfield,
Nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan ng boyfriend ko at nagpasya kaming mag-cool-off muna kahit tutol ang loob ko sa pangyayaring iyon. Pero, pumayag na rin ako dahil ito ang gusto ng boyfriend ko. Ang tanong ko lang po ay kung magkakabalikan pa ba kami dahil mahigit dalawang buwan na siyang hindi tumatawag at hindi man lang nagte-text sa akin? Pinalitan na kaya niya ako at meron na ba siyang bagong babae? Mahal na mahal ko kasi ang boyfriend kong ito sa dahilang may nangyari na sa amin. Babalik pa kaya siya upang muling mabuo ang aming relasyon? May 1, 1990 ang birthday ko at January 2, 1988 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Elvira ng Barangay Linangcob, Kidapawan City
Solusyon/Analysis: