Kausapin ang BF | Bandera

Kausapin ang BF

Joseph Greenfield - June 22, 2013 - 09:00 AM

Sulat mula kay Elvira ng Barangay Linangcob, Kidapawan City
Dear Sir Greenfield,
Nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan ng boyfriend ko at nagpasya kaming mag-cool-off muna kahit tutol ang loob ko sa pangyayaring iyon.  Pero, pumayag na rin ako dahil ito ang gusto ng boyfriend ko. Ang tanong ko lang po ay kung magkakabalikan pa ba kami dahil mahigit dalawang buwan na siyang hindi tumatawag at hindi man lang nagte-text  sa akin? Pinalitan na kaya niya ako at meron na ba siyang bagong babae? Mahal na mahal ko kasi ang boyfriend kong ito sa dahilang may nangyari na sa amin.  Babalik pa kaya siya upang muling mabuo ang aming relasyon? May 1, 1990 ang birthday ko at January 2, 1988 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Elvira ng Barangay Linangcob, Kidapawan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Isa lang ang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa kaliwa at kanan mong palad, na ngangahulugang kung sino ang unang naging boyfriend mo, malaki ang posibilidad na siya na rin ang huling magiging BF hanggang sa tuluyang mapangasawa at makasama habambuhay.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Five of Hearts at Nine of Hearts  (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing malaki pa ang pag-asang magkakabalikan kayo ng boyfriend mo kung ikaw ang unang gagawa ng paraan upang kayo ay magkaroon uli ng kumuniskayon. Kunsabagay, ito rin naman ang nais sabihin ng Five of Hearts at Nine of Hearts, sa buwan ding ito kusa at muling mabubuo ang relasyon ninyo.
Itutuloy….

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending