LUMUTANG sa social media ang bagong challenge na may kinalaman sa ingay na nilikha ni Maine Mendoza kaugnay ng kanyang lipstick creation na ilalabas ng international brand ng cosmetics. Ito ay ang Lipstick Challenge na bagong kinaaaliwan ngayon ng kanyang fans.
Maging ang nanay at tatay ni Meng ay nakisakay rin sa nasabing challenge. Tuwang-tuwa ang madir ng Dubsmash Queen na si Mary Ann Mendoza nang tanggapin ni Tatay Dub ang nakakaaliw na challenge.
Inilabas ng nanay ng Phenomenal Star ang picture ni Tatay Dub na naglalagay ng lipstick. “Ha! Ha! Ha! May naki challenge accepted #MAINEfor MAC,” ang caption niya sa pics na ni-regram naman ang ilang fans, huh!
Tuwang-tuwa naman ang fans sa pagiging supportive ni Tatay Dub sa achievement ng anak.
Samantala, nadale ng lagnat si Meng pagbalik niya mula sa Toronto, Canada ayon sa manager niyang si Rams David pero kahit na hindi maganda ang kanyang pakiramdam, tuloy pa rin ang pag-apir niya sa Eat Bulaga.