Kris miss na miss na ang ‘asawa’

KRIS AQUINO AT VICE GANDA

TILA matagal-tagal na ring hindi nagkakaroon ng chance ang magkaibigang Kris Aquino at Vice Ganda na makapag-bonding.

Sa social media na nga lang idinaan ni Kris ang kanyang mensahe para kay Vice na umaming miss na miss na niya ang kanyang “asawa” (term of endearment nila).

Nag-post kasi ang Unkabogable Star ng isang video sa Instagram na kuha sa loob ng sasakyan. Todo make-up si Vice with matching blonde one-length straight hair. Tinernuhan din niya ng kumikinang na boots ang kanyang long-sleeved, mini dress.

Caption ni Vice sa kanyang IG video, “Psssssssttttt!!! Eto na nga pala yung pinagpalit mo noon. Ganda noh! Pwede mo na lang titigan pero di na pwedeng balikan. Tonononoiiiinnnxxxxx!!!”

Ilang sandali lang ang lumipas ay nag-comment naman si Kris sa kanyang ipinost, ayon sa Social Media Queen, “Life isn’t fair-when you post this people find it adorable, if i posted something like this, they’ll find a way to make an ampalaya emoji. Missing you.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa nagre-reply si Vice sa komento ni Kris.

Nauna nang dinenay ng Queen of all Media na may tampuhan sila ng Phenomenal Box-Office Star, aniya, nananatili pa rin ang friendship nila at hindi lang talaga magtagpo ang kanilang schedule kaya hindi na sila nagkikita.

Read more...