Evacuees dahil sa Mount Mayon umabot na sa 28K

UMABOT na sa 28,000 indibidwal ang inilikas dahil sa pagsabog ng Mount Mayon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa isang press conference, sinabi ni NDRRMC spokesperson Romina Marasigan na umabot na rin sa P27 milyon ang naibigay na tulong sa mga apektado ng pagsabog ng bulkan.

Idinagdag ni Marasigan na umabot na sa 28,846 katao o 7,455 pamilya ang inilikas mula sa eight-kilometer danger zone at ngayon ay pansamantalang naninirahan sa 29 evacuation center.

“It is the call of the local government now kung gusto pa nilang i-extend (ang) danger zone na gusto nilang i-evacuate,” ayon pa kay Marasigan.

Read more...