JaDine nakipagkasundo na kay Direk Tonet Jadaone

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

NASA London na ang team (at magkarelasyon) nina direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone para sa pagpapatuloy ng very controversial movie ng JaDine.

After ng samu’t saring mga kuwento at parunggitan sa social media, na-realize ng lahat na sila rin ang mawawalan kung mag-iinarte pa sila at hindi magkakasundo.

Ayon sa aming ka-Chismackers, nag-effort na ang ilang top executives sa pagitan ng mga involved sa isyu at lahat sila ay pinagsabihang tapusin na ang dapat tapusin.

Kung paano makakaapekto ito sa pelikula kapag ipinalabas na at kung matindi pa rin ang powers nina Nadine Lustre at James Reid sa big screen, still remains to be seen. As individuals kasi, alam naman nating may kani-kanyang lakas sina James at Nadine, pero mas solid at mas matindi ang hatak sa audience pag magkasama sila.

Ang importante ngayon, baon-baon nila ang propesyonalismo para mabigyan kasiyahan ang kanilang fans and supporters. Kaya aabangan natin ang bago nilang movie.

Read more...