NAG-VIRAL ang video ni Vice Ganda nitong weekend kung saan naglabas siya ng kanyang saloobin tungkol sa mga fantards na walang ginawa kundi ang mangnega ng mga local celebrities.
Dito rin niya sinabi na napaka-OA na ng ilang fandoms dahil ang feeling ng mga ito ay pag-aari na nila ang kanilang mga idolo.
Bukod dito, naikuwento rin ni Vice sa kanyang Facebook Live ang ginawang pamba-bash ng ilan niyang fans sa Showtime dancer na si Jackie.
“Recently sa Showtime, nagbibiruan kami ni ate gurl, si dancer na ang pangalan ay Jackie. Yung ate gurl sa Miss Q & A.
“Nagbibiruan kami lagi. Binibigyan ko lang siya ng moment. Tinutulungan ko lang siya para sumikat, para magka-moment, para makilala, para magkaroon ng raket, ganyan-ganyan.
“Maraming natutuwa. Yung iba nga nakikilig. Naaaliw kami, natatawa kami, pero yun ay biruan lamang.
May mga fans ako, lalo na yung ibang fans ng Vicerylle, ang nega ng reaction.
“Sa sobrang nega ng reaction ng mga Vicerylle fans, binash nila si Jackie. Kung anu-ano sinabi nila kay Jackie. Sinaktan nila yung tao, which is so bad. Hindi ko yun nagustuhan…hindi ako masaya sa ginagawa niyo. Hindi ako natuwa sa ginawa ninyo, at hindi ko iyan ine-encourage na gawin ninyo.
“Wala kayong suporta makukuha sa akin. Hindi ako natuwa. Unang-una, mali mang-bash. Pangalawa, hindi porke’t hindi niyo nagugustuhan ay kailangan saktan niyo na ang damdamin ng tao dahil unang-una, wala siyang ginawa sa inyo.
“Wala siyang ginawa sa inyo at kung ayaw niyo, huwag niyo panoorin. Kung ayaw niyo, ipikit ang mga mata. Hindi ko naman kayo kailan man pinipilit, yung mga fans ko, mga supporters ko. Hindi ko kayo kailan man pinipilit gumawa ng isang bagay na labag sa inyong kalooban. Wala tayong pilitan…
“Kung fans kayo ni Karylle at hindi kayo fans ni (Jackie) at hindi niyo gusto ang ginagawa, ang nangyayari, huwag niyo na lang panoorin para hindi masaktan ang iyong mga damdamin.
“Kasi hindi naman namin ihihinto yun, yung ginagawa namin, kasi nag-eenjoy kami. Sa Showtime, nag-e-enjoy kami. Ginagawa namin yun dahil nag-e-enjoy kami at alam namin na marami rin ang nag-e-enjoy. Hindi namin ihihinto yung gusto namin gawin dahil lang may ilang-ilang na ayaw. Alam mo yun? Mali kasi.
“Kung maka-demand, kung maka-pressure, kung makapagsalita din kapag hindi nila pabor sa kanila yung mga nangyayari. Kung makapag-utos, masyado rin magaling. E, hindi ko rin masyado nagugustuhan yun…
“You don’t have to do that. That is so stupid. I do not condone that. I do not support that. I don’t like that.”