Kanina sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime, kinumpirma ng isa sa mga host ng programa na si Amy Perez ang malungkot na balita.
“Nais po naming samantalahin ang pagkakataong ito para sa panandaliang katahimikan. Ipinapaabot po ng buong‘Showtime‘ family ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa pamilya Navarro, lalo na sa kapatid nating si Vhong sa pagpanaw po ng kanilang daddy na si daddy Danilo Navarro.
“Vhong, kaisa mo kami sa pagdarasal para sa iyong daddy at sa iyong pamilya. Kaya be strong. We love you Vhong,” pahayag ni Amy.
Ayon naman sa kaibigan at co-host ni Vhong sa programa na si Jhong Hilario, “Kuys Vhong, alam namin na kaya mo ‘yan, nandito kaming buong pamilya mo at ‘Showtime’ na kasama mo sa pagdadalamhati mo. I’m sure malalampasan mo lahat ng problema mo. We love you, Vhong.”
Nitong nakaraang holiday season, ibinalita ni Vhong sa madlang pipol na naospital ang kanyang tatay kaya humingi siya ng panalangin para sa paggaling nito. Hindi naman siya nagbigay ng detalye kung ano ang sakit ni G. Navarro.
Mensahe pa ng komedyante sa kanyang ama, “Kapit lang, Dad,” he said in an Instagram post. “Di ka Niya papabayaan. I love you so much.”