“Ako sinasabi ko sa inyo ngayon, pag ako sumobra sa aking termino, isang araw lang, I am now asking the Armed Forces of the Philippines and the PNP not to allow me or anybody else to mess up with the Constitution,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Tienda para sa mga bayani: Tienda farmers and fisherfolks outlet in partnership with the Armed Forces of the Philippines sa Compostella Valley.
Ito’y sa harap naman ng mga hakbangin sa Kamara at Senado na amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
“Inyong trabaho iyan, to protect the Constitution and to protect the people. Rememer it, your solemn duty. Bago pag sumobra ako, gusto kong mag-diktador, barilin ninyo ako. Hindi ako nagbo-bola,” dagdag ni Duterte.