Rappler na-revoke pero palaban pa rin

MATAPOS i-revoke ng Securities and Exchange Commission ang corporate existence ng Rappler, uminit ang isyu ng press freedom.
Sila raw ay biktima ng panggigipit ng diktador sa malayang pamamahayag. Isang kalayaang dapat ipaglaban.

Bukod dito, isang matagal ng cybercrime case ang binuhay ng NBI laban kina Rappler CEO Maria Ressa at isang da-ting reporter.

Ang pinaka-sentro rito ay ang Philippine Depository Receipts (PDR) ng Rappler Hol-dings na $1 milyon sa Omidyar Network Fund, isang offshore fund ng Ebay founder na si Pierre Omidyar at asawa nito.

Nasilip ng SEC na merong “right to veto” ang Omidyar sa mga desisyon ng Rappler at ito ay labag sa Konstitus-yon.
Ang SEC en banc ay pinangungunahan ni Chair Teresita Herbosa at 4 commissioners. Mga appointees ni dating Pangulong Noynoy at isa lang ang Duterte appointee.
Ang PNoy appointed na SEC commissioner na si Blas G. Viterbo, pinsan ni Mar Roxas ay hindi sumali sa en banc decision.

Sabi ng Rappler, hindi sumunod sa due process ang SEC en banc at hindi sila binigyan ng pagkakataong sumagot bago nagdesisyon.

Tinanggap daw ng SEC ang kanilang mga PDR noong 2015, pero ngayon biglang bawal. Walang control o pakialam sa day to day operations ng Rappler ang Omidyar PDR. At mag-aapela raw sila sa Court of Appeals.

Kabilaan din ang mga reaksyon. May nagsasabing too severe ang ginawa ng SEC sa Rappler. Sabi ni Sen. Drilon, “bad for democracy” raw ito. “Unacceptable legalism”, sabi naman ni Sen. Kiko Pangilinan.

New York Times, maging ang ilang pang international journalists ay bumanat din samantalang “outraged” naman ang National Union of Journalists of Philippines (NUJP). Sabi ng Foreign Correspondents of the Philippines (FOCAP), may “chilling effect” ito sa media.

Pero, ang National Press Club (NPC), kumampi sa SEC at si-nabing walang epekto ito sa press freedom. Sinabi pa ni NPC Pres. Paul Gutierrez na ang responsableng pamamahayag ay dapat lamang sumusunod sa batas. Kung susuriin, halos personalang away ito nina Rappler CEO Maria Ressa at dating GMA spokesperson at Manila Times columnist Rigo-berto Tiglao.

Ang mga kolum ni Tiglao noon pang nakaraang taon ay nagsasabing “foreign owned” ang Rappler at naging batayan ng reklamo ni Solicitor general Jose Calida sa SEC. Ayon kay Tiglao, patuloy ang pagkakalat ni Ressa ng “disinformation” na inaatake ni Pres. Duterte ang press freedom nang ipasara ng SEC ang Rappler.

Sa unang mga buwan ng bagong administrasyon, pinalitaw ni Ressa na masamang lider si Duterte sa “killing spree” nito sa War on drugs at ngayon, demokrasya at media naman ang iniipit.

Ayon pa kay Tiglao, lugi raw ang Rappler sa negosyo at naging desperado si Ressa na kumuha ng “foreign investor” kahit labag sa Konstitusyon.

Sa totoo lang, napakasakit mabura bigla ang korporasyon nga-yong “revoked” na ang SEC registration. Pero talagang napakahigpit ng batas lalo na sa “news media” na kailangan ay 100 percent Filipino-owned at controlled.
Sa aking palagay, itutuloy ng Rappler ang kanilang papel bilang “fiscalizer” ng Duterte administration. Ilabas nilang lahat ng mga expose’ para mabantayan ng bayan ang mga katiwalian.

Pero dapat ay maglinis din ng bakuran ang Rappler at ipairal ang interes, hindi ng iba pa, kundi ng tunay na interes ng mga Pilipino.

Read more...