Ubo, ubo, ubo… paano maiibsan ito?


NORMAL lang magkaubo.  Ayon sa mga doktor, ang pag-ubo ay nakatutulong para malinis ang iyong lalamunan mula sa plema at iba pang irritants.  Pero ibang usapan na kapag ang matagal na ubo ay di gumagaling.  Maari kasi na dulot ito ng ibang kondisyon gaya ng allergy, viral infection o bacterial infection.

Minsan, dulot ito ng tinatawag na Gastroesophageal reflux disease (GERD) o acid reflux na nagti-trigger umubo ang isang meron nito.

Merong mga gamot na over-the-counter para sa ubo, at meron din namang mga natural na paraan para labanan ito.  Narito ang ilan:

1. Honey

Subok na mabisang gamot sa sore throat.  Ayon pa sa ilang pag-aaral, mas mabisa pa ito kaysa sa mga over-the-counter na gamot.  Pwedeng gumawa ng sarili mong gamot:  Paghaluin lang ang dalawang kutsaritang honey sa isang tasa ng tsaa o kahit maligamgam na tubig at samahan ng lemon.  Pwedeng kainin ng diretso ang isang kutsarang honey o ipalaman kaya sa tinapay.

2. Probiotics

Alam mo bang maraming kapakinabangan ang probiotics o microorganisms sa iyong kalusugan?

Bagamat hindi direktang ginagamot nito ang ubo, nakatutulong naman ito para ibalanse ang  iyong gastrointestinal flora o ang mga bacteria na namumuhay sa iyong bituka.

Ang pagbalanse nito ang siyang sumusuporta para mapaayos ang iyong immune system. May mga pag-aaral na ang Lactobacillus, ang bacteria na nakukuha sa mga dairy gaya ng gatas ay nakatutulong para makaiwas sa ubo at sipon.

3. Pinya

Siguro ay nagtataka ka kung bakit napasama ang pinya bilang cough remedy, kasi maaring di mo pa rin naririnig ang bromelain. May mga ebidensiya na kasi na ang bromelain — enzyme na makikita lamang sa sanga at prutas ng halaman ng pinya na siyang nakatutulong para ma-suppress ang pag-ubo at para mapaluwag ang plema sa iyong lalamunan.   Kumain ng pinya o uminom ng 3.5 ounces ng sariwang pineapple juice tatlong beses sa isang araw.

4. Peppermint

Kilala ang peppermint leaves na halamang gamot. Ang menthol nito ang nagpapakalma sa lalamunan at nagsisilbing decongestant para mabasag ang namumuong mucus. Pwedeng uminom ng peppermint tea o suminghot ng peppermint vapor.

5. Thyme

Ang dahon ng thyme ay gamot sa ilang respiratory illnesses. May isang pag-aaral na nagsa-suggest na kapag ito ay inihalo sa ivy ay magiging mabisang gamot sa ubo at short term bronchitis.  Nagtataglay ang mga dahon ng thyme ng mga compounds  na tinatawag na flavonoids  na siyang nagpapa-relax ng throat muscle.

Maaring gumawa ng thyme tea sa bahay.  Durugin ang dalawang kutsara ng thyme leaves at ilagay sa isang tasa ng kumukulong tubig. Takpan ito, at maghintay ng 10 minuto, i-drain, saka inumin.

Source:  www.healthline.com

Read more...