Solid KathNiel fans bad trip pa rin kay Daniel: Unfair siya kay Kathryn!

 

UMANI ng unfavorable remarks ang King of Hearts na si Daniel Padilla mula mismo sa mga fans nila ni Kathryn Bernardo sa balitang pagkuha niya ng number ng babaeng fan pagkatapos magpapiktyur sa kanya sa isang bar.

Until now ay galit na galit pa rin ang ilang solid Kathryn fans sa pagpo-post ng kanilang reaksyon sa picture and video ni Daniel with that female fan na mabilis na kumalat sa social media under the account name of Chariss Jedidiah.

Base sa comments na nabasa namin, it seems hurt na hurt ang fans ni Kathryn sa mga larawang lumabas lalo na ‘yung pagkakayakap ni Daniel sa fan. Halos isumpa na nga nila ang girl, talagang kung anu-anong masasakit na salita ang ipinakain nila rito.

Kung makayakap daw kasi si Daniel ay obvious na ibang-iba sa pagyakap niya sa ibang fans na nagpapapiktyur sa kanya. Kaya malakas ang duda ng ibang fans na true ang tsika na kinuha o hiningi mismo ni Daniel ang cellphone number ng female fan.

Mukhang may “bad record” itong si Daniel sa Kathryn fans pagdating sa pagiging malalapitin sa magagandang babae, fan man o celebrity. ‘Di nga ba’t naging malaking isyu noon ang pagkaka-link sa kanila ni Jasmine Curtis?

Himutok ng ibang solid Kathryn fans, napakahigpit daw ni Daniel sa kanilang idolo sa pakikipagkaibigan sa ibang male celebrities pero siya’y ilang beses nang natsimis with other girls. Ganern.

 

Read more...