Xander Ford may lovelife na: ‘Pinagtagpo, pinaglandi”

USAP-USAPAN sa social media ang litratong ipinost ng controversial internet sensation na si Xander Ford sa kanyang Instagram account.
Isang wacky photo ito kung saan kasama ni Xander Ford ang isang babae na pinaniniwalaang karelasyon ng binata.
Nilagyan niya ito ng caption na, “Maligayang kaarawan sa dalawang pusong nag mamahalan. Minsan nalang natin makita ang saya at makasama si ligaya.
“Pasalamat tayo nakilala natin ang isat isa. Pinag tagpo at pinag landi hanggang sa itinadhana. Sana hanggang sa huli ay maging tayo pa (sic),” ang sabi pa ng tinaguriang Retoke King with matchig heart eyes at blowing kiss emoticons.
Maraming followers ni Xander ang nag-congratulate sa kanila ng girl at nagsabing sana raw ay natagpuan na talaga nila ang forever sa isa’t isa. Ang paniniwala nila, baka raw anniversary nila bilang magdyowa.
Medyo matagal ding nanahimik ang binatang sumikat sa pagpapabago ng kanyang itsura. Matapos ma-bash nang bonggang-bongga dahil sa panlalait kay Kathryn Bernardo at iba pang Kapamilya artists, at naging matumal na rin ang paglabas-labas niya sa TV.

Read more...