Impeach Sereno sa Marso pa mangyayari

 Sa Marso ay posibleng naisampa na ng Kamara de Representantes sa Senado ang impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
    Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez hindi nila minamadali ang pagsasampa ng kaso lahat kay Sereno pero tiyak na mangyayari ito.
    “Siguro by March nandun na ‘yun (impeachment). Basta bago kami mag-break, malamang tapos na rin kami dahil inumpisahan na rin namin
‘yung articles of impeachment,” ani Alvarez. ““Maghintay siya (Sereno). Hindi naman niya kami puwedeng diktahan. At saka, ang hirap kasi dito, ayaw niyang mag-attend doon at ayaw niyang harapin ‘yung katotohanan. She refused to face her accusers and the witnesses.”
    Nauna ng sinabi ng kampo ni Sereno na kung may ebidensya ang Kamara ay magsampa na ito ng kaso.
    Mali rin umano ang akala ni Sereno na kakampi niya ang Senado kaya hindi siya matatanggal sa puwesto.
    “I think kaya gusto niyang madaliin doon sa Senado baka akala niya meron siyang numero doon. Ang para sa akin, let us do this properly. Mayroon bang ebidensya o wala, napapanood na ng taumbayan na talagang may ebidensya. Mayroon ebidensya na pini-present ‘yung kanyang accusers at in fact, nag-testified ‘yung mga kasamahan niya na justices. Ngayon lang po nangyari iyan sa kasaysayan ng Supreme Court,” dagdag pa ni Alvarez.

Read more...