MRT nasira ulit

MRT

Pinababa ang may 200 pasahero ng Metro Rail Transit 3 kaninang umaga matapos na magkaroon ng electrical failure ang tren nito.

    Alas-6:14 ng umaga ng masira ang tren bago umalis sa North Avenue station south bound.
    Dumating naman ang kasunod na tren makalipas ang anim na minuto.
    Noong Sabado ay dalawang beses nasira ang MRT.
    Una itong nasira alas-2:18 ng hapon. Pinababa ang mga pasahero sa Boni Avenue station north bound.
    Alas-4:14 ng hapon ay muling nasira ang tren ng MRT sa Quezon Avenue station south bound.

Read more...