MAGSISIMULA sa Agosto ang dagdag sa pasahe sa Light Rail Trainsit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) dahil kailangan nang mabawi ng pamahalaan ang pondo na ginagamit sa pag-subsidize sa operasyon ng mga ito, ayon kay Transportation and Communication Secretary Joseph Abaya.
Subalit sinabi ni Abaya hahatiin ang planong P10 pagtataas sa pasahe sa LRT Line 1 at Line 2 at sa MRT Line 3 ngayong taon at sa 2014.
Ang ibig nitong sabihin, ang pasahe, na huling itinaas noon pang nakaraang dekada, ay magtataas ng P5 ngayong taon habang ang ikalawang P5 pagtataas ay magaganap sa susunod na taon.
“This increase has been long-delayed so we are about to execute it. The matrix for LRT 1 requires us to catch up,” paliwanag ni Abaya. “It was discussed a year ago in the budget hearing and it was taken as a set, all three railway lines.”
“It should happen planning-wise in August or within the year,” dagdag ni Abaya.
Matatandaang naiulat na ang buong P10 pagtataas ay magaganap ngayong taon pero nagdesisyon ang departamento na hatiin na lamang ito sa loob ng dalawang taon.
Kahit pa magtaas ang pasahe sa tren, sinabi ng opisyal, na mas mura pa rin itoo kumpara sa singil sa bus na aabot ng P40.
Base sa kalkula ng pamahalaan, hindi umano maaapektuhan ng taas-pasahe ang bilang ng mga sumasakay sa tatlong linya ng tren, na naglilingkod sa mahigit 1.3 milyon pasahero kada araw.
Sa kasalukuyan, ang pinakamataas na pasahe na maaaring ibayad sa MRT at LRT 2 ay P15 habang P20 naman sa LRT1.—Inquirer
P5 taas-pasahe sa LRT, MRT sa Agosto
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...