SINCE she’s playing a character na straight woman and female gay sa “Changing Partners” ay natanong si Agot Isidro if she sees herself falling in love with a woman tulad ng kanyang character.
“Personally, choice ‘yan eh. I don’t judge anyone sa gender choice or preference. Pero ‘yung sa akin, girl na girl ako. But I have very strong relationships or friendships with any of the gender. Hindi ako judgemental sa ganoon so I don’t really see any problems on good relations on any gender,” say niya.
Pero may pasubali ang singer-actress, “Hindi natin alam ang pangyayari. Love is love. We don’t know what will hit us. Sana hindi rin ako i-judge later on kung ganoon nga ang mangyayari. Dapat open-minded tayo. But for now, (I’m a girl).”
She’s clueless kung mayroong lesbian na nanligaw sa kanya. Mahina kasi ang kanyang radar sa ganitong sitwasyon.
“Actually, hindi. Wala akong (na-experience) kasi dense ako sa mga ganyang bagay. Hindi ako asyumera. Siguro nagpapahiwatig sila na dinedeadma ko lang. Sa kanila panliligaw na.
“Yun nga, I have very strong relations with any of the sexes. Siguro may nanligaw na hindi ko lang naramdaman kasi medyo dumb ako sa mga ganyan. Kailangan sinasabi mo sa akin ‘hoy, nililigawan na kita.’ So, wala pa sa aking pag-iisip kaya wala akong dyowa,” she added.