Hugot ni Pauleen: Hindi ko kayang magpapayat overnight!


SUPALPAL ang isang netizen sa naging sagot ni Pauleen Luna tungkol sa balitang babalik na raw ang actress-TV host sa pagtatrabaho.

May ipinost kasing picture si Poleng sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang sumasailalim sa isang treatment. Nilagyan pa niya ito ng caption na: “Getting ready to go back on screen!”

May mga IG followers ang misis ni Vic Sotto ang nagsabi na huwag muna siyang bumalik sa Eat Bulaga, dapat daw ay asikasuhin muna niya ang two-month-old baby nilang si Talitha, hindi naman daw siguro siya minamadali ni Bossing na mag-work uli kaya mag-focus muna siya sa kanyang pamilya.

Sagot naman ni Poleng, “Losing weight isn’t done overnight. That’s why I’m starting to prepare now. It doesn’t mean I’ll be back at work this month or next.”

Read more...