Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2018, green ang dapat ipintura sa dingding ng inyong silid. Sa nasabing kulay, ibat-ibang uri ng suwerte ang darating. Sa pag-ibig, kung laging magsusuot ng green matamis na romansa ang aanihin. Mapalad ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2018, sa halip na isip ang gamitin, ang iyong malakas na intuition ang dapat mong paganahin. Kumilos ka agad nang kumilos ng mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, kung ano ang gusto ng puso mo, iyon ang sundin mo upang habambuhay kang lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Red at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Alisin ang takot at pagdadalawang-isip. Lakas ng loob ang dapat mong paganahin sa taong ito ng 2018. Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad at magkakaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pag-ibig. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa pinansyal, tama na ang pagkukuripot kung pagyaman ang layunin. Sa pag-ibig, aanhin ang salitang “pagmamahal” kung pareho naman kayong magugutom. Ang totoong pagmamahal ay dapat na natutugunan din ang materyal na pangangailangan ng isang taong mahal mo. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Kebalam.” Pink at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi mo dapat balikan ang mga nakaraang kabiguan, dahil nakahahadlang lang ito sa kasalukuyan upang ikaw ay magtagumpay. Maaari mong balikan ang nakaraan, pero ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang tagumpay at ligaya. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy kang susuwertehin at magkakaroon ng tuloy-tuloy na tagumpay at kaligayahan. Mapalad ang 3, 18, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Pink at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa panahon ngayon uso na naman ang sakit at sipon. Para maiwasan ang karamdaman, kumain ng maraming prutas at sariwang gulay at dagdagan pa ang regular na page-ehersisyo araw-araw. Sa ganyang paraan, muling lalakas ang iyong immune system. Mapalad ang 6, 18, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Red at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito, laging magbasa ng mga libro at iba pang babasahin dahil isang araw sa pagbabasa, makatutuklas ka ng pormula na pagyaman! Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng librong may temang love story – matutuwa siya sa iyo! Mapalad ang 6, 9, 15, 27, 33, at 40. Mahiwga mong mantra: “Aum-Ketu-Rahuya-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Hindi masamang tumulong subalit kung lagi namang ikaw ang inaasahan, parang kinukunsinti mo na ang mga tatamad-tamad. Sa pag-ibig, ang kinabukasan ng mga anak ang higit na mas mahalaga. Mapalad ang 7, 17, 25, 28, 46 at 49. Mahiwag among mantra: “Viola-Violae-Om.” Green at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pinansyal, habang nagpapakabuti, lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Cancer, may magandang kapalarang kang makukuha mula sa kanya. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ituloy ang mga dati nang nasimulan. Sa pag-ibig, tuloy ang maligayang pakikipagrelasyon sa isang Leo. Sa pinansyal, oo isang Aries ang makatutulong sa iyo upang umunlad ang iyong kabuhayan. Mapalad ang 4, 9, 18, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Nada-Vagisa-Om.” Pink at red at buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa taong ito, wag nang intindihin ang mga taong hindi naman mahalaga. Mag-concentrate na lang sa mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, may magic na mangyayari, habang ikaw ay umiiwas, saka naman siya maghahabol at lalapit. Mapalad ang 3, 16, 23, 27, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Chaintaya-Yama-Om.” Red at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa taong ito ng 2018, hindi dapat balikan ang nakaraan. Higit na mas magiging maligaya sa bagong pag-ibig na darating hatid ng isang Gemini. Sa pinansyal, isang Libra ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Menggay-Agne-Om.” Old rose at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Ngayon na ang katuparan ng mga pangarap mo sa buhay. Ang kailangan lang ay pagkilos. Sa bawat kilos na gagawin mo sa taong ito ng 2018, may katumbas na tagumpay at pag-unlad lalo sa materyal na mga bagay. Gawing inspirasyon ang pamilya upang magtuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 43 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Buddha-Bhagata-Govinda.” Green at violet ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.