Ang salot na Boss Ironman suportado ng PNP/HPG | Bandera

Ang salot na Boss Ironman suportado ng PNP/HPG

Ira Panganiban - January 19, 2018 - 12:10 AM

MULI na naman nakaperwisyo ang karera na tinatawag nilang BOSS Ironman Endurance Challenge sa mga motorista at pedestrians ng mga lansangan sa Northern Luzon.

Ito ay matapos na makabangga sila ng mga tao, kapwa motorsiklo at kotse dahil nagmamadali silang matapos nang maaga ang sinasabing endurance run nila.

Matigas ang pagtatanggol ng mga supporters at participants ng nasabing karera at hinihirit nila na hindi ito karera kundi isang tourism program na dinadala ang mga motorcycle riders sa mga tourist spots sa Luzon.

Wala akong problema sa pakay ng programang ito. Ang problema ko ay paraan ng paglalakbay nila sa lansangan. Tandaan ninyo, ‘pag nagbigay kayo ng destinasyon at oras para marating ang isang lugar, sinisiguro ko sa inyo, magiging karera ito, sa ayaw man ninyo o gusto.

Pero bago pa kayo umalma, kukunin ko muna ang depenisyon ng “Endurance Challenge o Run”. Ayon sa Miriam Webster ang ibig sabihin ng “endurance challenge” ay “the ability or strength to continue or last, especially despite fatigue, stress, or other adverse conditions.”

Fatigue, stress, adverse conditions, itong mga bagay na ito ay laging hindi maganda para sa isang motorista na bumabaybay sa lansangan. Lahat ng mga driving professionals ay sasabihin sa iyo na ang mga factors na ito ay delikado sa nagmamaneho at gayundin sa ibang tao at sasakyan sa lansangan.

Walang puwang ang “endurance challenge” at “endurance race” sa pampublikong lansangan dahil maraming madadamay kapag bumigay na ang “endurance” ng isang participant sa kalye.

Ang sabi ng mga magagaling na tagapagtanggol ng karera, binigyan sila ng minimum na oras – 16 hours para tapusin ang 1,200 kilometers na distansya ng “endurance challenge” nila. Sa mga factors na ito, kailangang hindi bababa ng 75kph ang takbo ng motor at kotse para matapos ang 16 oras. Kahit sa maximum na 24-oras na dapat tapusin ang karera, kailangan pa rin silang tumakbo ng average na 50kph para matapos ang 1,200.

Ang nakalulungkot dito, mismong si PNP Highway Patrol Group (HPG) Director Arnel Escobal ay suportado at dinaluhan pa ang street race na ito. Isang hepe ng pulisya na ang trabaho ay panatiliin ang disiplina sa kalye ang sumusuporta sa iresponsableng karera sa kalye.

Madami ring mga tauhan ng Land Transportation Office ang sumali. Ang iba pang sumali ay may mga stickers pa ng PNP, LTO, Malacanang at iba pang government offices.

Matagal nang sinabi ng Automobile Association of the Philippines (AAP) at National Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA) na hindi nila sanctioned ang street races na ito. Pero dahil may PNP at LTO, walang magawa ang mga tao.

Kung tourism lang ang pakay ninyo, bakit hindi yung Sampaguita Rally format tulad ng ginagawa ng Auto Focus Rally ni Butch Gamboa. Ito ay “on-time-all-the-time” na karera na nagbibigay ng takdang oras para matapos ang challenge at hindi nagmamadali kundi eksakto ng oras ang habol.

Pero ano ba naman ang magagawa ng ordinaryong tao kung ang mga opisyal at pinuno ng LTO at PNP ay kasali at suportado ang nakamamatay at nakasasakit na karerang ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May komento o suhestiyon? Sumulat po sa [email protected] o sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending