Anne na-shock, nireplayan ng Korean actor sa Instagram

ANNE CURTIS

FANGIRL mode na naman si Anne Curtis. Kaya naman tuwang-tuwa ang misis ni Erwan Heussaff nang mag-reply sa kanya ang is sa mga favorite niyang Korean actor.

Sa isang Instagram post ng K-drama star na si Lim Ju-hwan kamakailan ay nag-hello si Anne sa comment section nito. Ngunit hindi niya inaasahan na sasagot agad ang Koreanong aktor sa kanyang messahe. Sumagot si Ju-hwan ng, “@annecurtissmith Hi.”

Si Ju-hwan ay nakilala sa mga Korean series na Tamra, The Island at Ugly Alert.

Nagbida rin siya sa 2017 Korean movie na “Because I Love You” at huling napanood sa hir Korean TV series na The Bride of Habaek.

Read more...