Jake Zyrus asar-talo kay Mommy Raquel: Isa lang po ang lalaki sa pamilya namin!

JAKE ZYRUS AT RAQUEL PEMPENGCO

HINDI pa rin tanggap ni Raquel Pempengco ang pagiging transman ng kanyang anak na si Charice na mas kilala na nga ngayon bilang Jake Zyrus.

Ito’y taliwas sa mga naglalabasang balita na okay na raw ang mag-ina dahil accepted na raw ni Raquel ang pagiging “lalaki” ng anak.

Ngunit muling nabuhay ang isyu nang mag-post ang nanay ni Jake sa kanyang Facebook account ng birthday message para sa isa pa niyang anak na si Carl Pempengco. Ipinagdiinan niya na tanging si Carl lang ang “kaisa-isang lalaki” sa kanilang pamilya.

Ani Mommy Raquel, “Happy Birthday Son Carl Ceiven Relucio Pempengco…ang kaisa isang lalaki sa Pempengco Clan…!”

Sa huling panayam namin kay Jake, sinabi nitong naniniwala siyang darating din ang panahon na magkakaayos sila ng kanyang ina at matatanggap din nito nang buong-buo sa kanyang puso ang kanyang pagiging transman.

Read more...