Indian national arestado matapos makipag-sex sa 3 baka

INARESTO ang isang Indian national matapos umanong makipag-sex sa tatlong baka.

Kinilala ng Varnama police ang lalaki na si Rathodiya matapos umano ang “unnatural sex” sa tatlong baka, ayon sa ulat ng Times ng India.

Natagpuang patay ang isa sa mga baka dahil sa pangyayari, na naganap sa pagitan ng Linggo ng gabi at Lunes ng umaga.
Ayon sa complainant na si Lalji Rabari, nakita niya na nakatali ng lubid ang mga paa ng mga baka at patay na ang isa sa mga ito.
Naghinala siya na may ginawang kakaiba si Rathodiya.
Nagtatrabaho si Rothidaya kay Rabari bilang trabahador at ginawa na ito sa isa ring baka dalawang taon na ang nakakaraan.
Kalaunan, inamin ni Rathodiya ang krimen at inaming kasama niya ang dalawang kapatid na lalaki nang gawin ang panghahalay.
Kinasuhan ni Rabari si Rathodiya ng patong-patong na kaso, kasama na ang unnatural sex, mischief by killing at injuring cattle, at outraging religious feeling na paglabag sa Animal Cruelty Act.

Read more...