Gerald kinontra ang hulang ‘2018 wedding’

GERALD ANDERSON

TILA kinontra naman ng ka-loveteam ni Kim Chiu sa malapit nang magtapos na Ikaw Lang Ang Iibigin na si Gerald Anderson ang mga hula na magpapakasal na sila ni Bea Alonzo ngayong taon.

Sa nakaraang episode ng Magandang Buhay, sabay na nag-guest sina Kim at Gerald para sa pagtatapos ng ILAI, at dito nga natanong ang aktor kung kailan ang ideal age niya ng pagpapakasal at pagkakaroon ng ng anak.

Ayon kay Gerald, kung sa tingin niya at kung na-feel na niyang handa na siyang lumagay sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya, gagawin niya ito, kasama na nga ang pagkakaroon ng baby.

Kung matatandaan, sa isang episode ng Magandang Buhay, sinabi ng feng shui expert na si Master Hanz Cua na handa nang magpakasal ngayong Year of the Dog sina Gerald at Bea. Nang ipakita uli ito kay Gerald ang tanging nasabi ng binata ay, “You attract what you always think.”

Dito naikuwento rin ni Gerald ang pagbabakasyon nila ni Bea sa kanyang hometown, ang General Santos City at sa Amerika. Ayon sa Kapamilya hunk todo-bonding ang ginawa nila ng kanyang girlfriend sa mga nasabing lugar.

Read more...