OMG! Nakakahiya, umiyak ako sa harap ni Judy Ann Santos! – Kim | Bandera

OMG! Nakakahiya, umiyak ako sa harap ni Judy Ann Santos! – Kim

Ervin Santiago |January 19,2018
facebook
share this

OMG! Nakakahiya, umiyak ako sa harap ni Judy Ann Santos! – Kim

Ervin Santiago - January 19, 2018 - 12:05 AM

KIM CHIU AT JUDY ANN SANTOS

“UMIYAK ako sa harap ni Judy Ann Santos! Shocks! Nakakahiya!” Ito ang naging epekto kay Kim Chiu nang pagkikita nila ni Juday sa nakaraang premiere night ng “Ang Dalawang Mrs. Reyes”. Inamin ni Chinita Princess na talagang idol na idol niya ang Teleserye Queen at nai-startruck pa rin siya kapag nakikita niya ang TV host-actress.

Dumating sa premiere night si Kim bilang suporta sa BFF niyang si Angelica Panganiban na kasama ni Juday sa nasabing pelikula. Nagkaroon ng chance si Kim na makapagpa-picture kina Juday at Angge sa backstage ng sinehan at dito na nga naganap ang isa sa pinakamaliliyagang fangirl moment ni Kim.

Kasama rin nila sa litrato si Bela Padilla na BFF din ni Angelica. Nag makipagpalit na ng pwesto si Bela kay Kim para makatabi nito si Juday ay bigla itong kinilig. Sabi pa ni Bela, “Nanginginig si Kim!” Kaya naman hinila siyang bigla ni Juday sabay sabing, “Lika rito! Parang di tayo magkatabi sa Maggi, tapos ngayon ganyan ka!”

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ng Ikaw Lang Ang Iibigin lead star ang hindi niya malilimutang experience with the Queen of Teleserye. Ginamit pa ni Kim ang hashtag #lifegoals para sa pagiging super fan ni Juday.

Tweet ni Kim, “[I] just had one of my embarrassing/fulfilling moment of my life!!! Nung Maggi namin tiniis ko eh kanina hindi ko na natiis, salamat sa pag push momsh @padillabela ah!!! Bwahahaha! Umiyak ako sa harap ni Judy Ann! Shocks!!! Nakakahiya!!! Wahahahaha! #lifegoals.”

At hindi pa rito nagtapos ang pagkakilig ni Kim, naikinumpara pa niya ang pagkikita nila ni Juday sa naging experience niya nang mapanood sa isang concert ang paborito niyang singer na si Taylor Swift.
“Akala ko nung nakita ko si Taylor Swift lang ako maiiyak!!!! OMG! Meron pa pala!!!! Hahahahaha!” pag-amin pa ni Kimmy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending