GF ni Jason, sister ni Marco, ex-Miss World Ph pasok sa 2018 Bb. Pilipinas


HALOS wala kang itatapon sa 40 opisyal na mga kandidata para sa 2018 Binibining Pilipinas.
Agad na bumandera sa social media ang mga pangalan nina Catriona Gray, Vickie Rushton at Michelle Gumabao, na kilala na lahat sa mundo ng showbiz.

Dating Miss World 2016 finalist si Catriona na inakala ng marami na susunod sana sa trono ni Meagan Young, what with her beauty and brains. Siya ang sinasabing pinakamalakas ngayon at dapat katakutang candidate having experienced an international pageant already.

Proud na naman siyempre ang mga Bicolano dahil tubong Oas, Albay si Catriona. Ang GF ni Jason Abalos at dating PBB housemate na si Vickie Rushton ay Mutya ng Pilipinas winner noong 2011 na nagpahinog daw talaga para makasali sa Binibining Pilipinas.

Sikat namang volleyball player si Michelle kapatid ni Marco Gumabao (mga anak ni Dennis Roldan at pamangkin ni Isabel Rivas). Kamag-anak din siya ng “Chismax” partner ko sa DZMM na si Gretchen Fullido.

Tunay ngang “nagpasabog” ng ganda ang nag-aalburotong Mt. Mayon dahil maraming Bicol beauties (mostly from Albay province) ang pasok sa top 40 gaya nina Angelie Aubrey Asuncion (Tabaco City), Angelica Corbe (Legaspi City), Shane Quintana Tormes (Pulangui Albay) at Kayesha Chua ( reigning Miss Bicolanida from Legaspi City).

Sa mga susunod na isyu, ibabandera natin ang iba pang beauty queen from other parts of the country.

Malay natin kung nasa kanila na pala ang mga susunod na international beauty queens, di ba?
Ngayong March 18 na ang coronation night ng 2018 Binibining Pilipinas.

Read more...