Mark Anthony atat nang magtrabaho uli; maraming natutunan sa kulungan


HARINAWANG magkaroon ng katuparan ang pangarap ni Mark Anthony Fernandez na maaga siyang makabalik sa trabaho. Nakulong man nang isang taon ang guwapong aktor ay hindi naman nakulong ang kanyang talento sa pag-arte.

Nandiyan pa rin ‘yun, hindi mawawala, anuman ang mangyari ay laging lulutang ang husay niya sa pagganap na minana ng aktor sa kanyang mga magulang.

Ayon sa kaibigan naming nakakita kay Mark Anthony nang magsadya siya sa Viva Films ay walang nagbago sa kanyang itsura. Medyo lumaki lang ang bulto ng kanyang katawan pero guwapo pa rin ang aktor.

“Parang naninibago lang siya, pero marespeto pa rin si Mark na tulad nang dati. ‘Yun naman ang maganda sa batang ‘yun, sabihin mo na ang lahat tungkol sa kanya, pero marespeto siya sa kahit sino.

“Konting panahon lang at makababalik uli si Mark. May plano ang Viva para sa kanya. May mga kailangan lang munang ayusin, pero may naghihintay na chance para kay Mark Anthony,” balita ng aming kaibigan.

Sana nga ay mangyari na agad ang pagkakataon ‘yun para manumbalik ang tiwala ni Mark Anthony Fernandez sa kanyang sarili.

At may natutuhan na siyang leksiyon sa pinagdaanan niya, hindi na niya uulitin ang maling gawain na nagtulak sa kanya sa pagkakulong, ibang klaseng magbago ang isang taong may masaklap na nakaraan.

Read more...