50 foreign terrorists nasa Mindanao na 

SINABI ng isang mataas na opisyal ng miilitar na aabot sa 50 banyagang terorista ang nagsasagawa ng operason sa Mindanao.
Sa oral argument sa Korte Suprema kaugnay ng mga petisyon kontra martial law sa Mindanao, sinabi ni Maj. Gen. Fernando Trinidad, Deputy Chief of Staff for Intelligence ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) na aabot sa 48 mga banyagang  terorista ang aktibong sumasali sa mga pagsasanay ng mga bagong saling terorista sa rehiyon.
Idinagdag ni  Trinidad na ngayong buwan pa lamang ay namonitor ang pagpasok ng isang Egyptian national sa Mindanao.
“While the fighting has reduced the membership of the local terror groups, the remaining members intensified their recruitment, which increased yet again their associates to almost 400 – almost the same strength that initially turned (up in) Marawi,” ayon pa kay Trinidad.
Sinabi pa ni Trinidad na may mga bagong lider ang mga teroristang grupo matapos mapatay ang si Isnilon Hapilon at ang magkapatid na  Maute, kabilang na rito ang isang Khalifa Islamiya, na nakabase sa Indonesia, bagamat isang teroristang Pinoy at isa pang teroristang Pinoy na nanggaling ng Syria.
“The magnitude as well as the presence of rebel groups endangers the public safety,” ayon pa kay Trinidad,  kasabay ng panawagan sa mga justices na paboran ang pagpapalawig ng martial sa Mindanao.

Read more...