Makawahak lang ng pera, alak na!

DEAR Ateng Beth,
Good evening po. Ako po si Cecille. May problema ako sa pangalawang asawa ko. Dati po kasi akong single mom.

Akala ko okay na ang lahat, ‘yun pala mas matindi pala itong asawa ko. May anak kami, kaso makahawak lang ng konting pera inom agad. Ano kaya ang dapat kong gawin?

Susmaryosep, Cecille!

Sa totoo lang, nalito ako sa kwento mo. Hindi malinaw ang mga facts mo, ‘teh. Mukhang nagmamadali kang magsulat nito, secret ba ito kaya karipas ka ng pagsusulat o pagte-text sa akin? O baka naman may taxi na naghihintay?

Paano ka naging single mom kung pangalawa mo na itong asawa?! Ibig sabihin ba nakipaghiwalay ka sa una mong asawa, tapos naging single mom ka for a while, and then nakilala mo si second husband?

(Susme, ako ang nagtagni-tagni ng kwento) Asawa, meaning pinakasalan mo silang dalawa o ‘yung una lang; at itong pangalawa ay kinakasama mo.

May anak kayo ng pangalawa mong asawa, so anong konek noon sa problema na makahawak lang ng pera ay inom agad?

Ah, baka ang iniisip mo na imbes na itabi ang pera para sa anak ninyo ay sa alak lang napupunta.

Ngayon, ipagpapalagay ko na hindi nga kayo kasal ng pangalawa mong asawa, at pera niya ang ipinang-iinom nya.

Sinubukan mo na bang kausapin ‘yang lalaki na iyan? Nagawa mo na ba ang lahat ng paraan para siya magtino at hindi gastusin ang pera sa alak? Kung nagawa mo nang lahat pero sige pa rin, aba’y hiwalayan mo rin!

Kung ‘yung una nga nahiwalayan mo, e, bakit siya hindi?

Ina-assume ko rin na may trabaho at pinagkakakitaan ka kaya tiyak na keri mong buhayin ang anak ninyo sakaling hiwalayan mo yang lalaki na ‘yan.

So walang mawawala sa iyo kung magwo-walk out ka sa ganyang klaseng asawa at buhay. Wag mong pagtiisan kung wala naman siyang silbi sa ’yo (tutal nabigyan ka na ng anak! Hahaha)

Kaya mong bumangon at mabuhay mag-isa ‘teh, kesa naman mapahirapan ka pang lalo ng isang lasenggo.

May problema ka ba kay misis o mister, sa BF o sa GF? Gustong maligawan, o kaya ay gustong kumalas sa kasintahan? May problema sa mga anak o mga magulang? Pera ba kamo? Aba’y isulat na yan kay Ateng Beth sa inquirerbandera2016@gmail.com o kaya ay i-text sa 09989558253.

Read more...