Sylvia Sanchez class, sosyal na nanay…pero palaban

FEELING ni Sylvia Sanchez, gumanda at bumata siya nang mapanood ang pelikulang “Mama’s Girl” sa premiere nito last Monday sa Trinoma Cinema 7.

Binago kasi ang paglalarawan sa kanya bilang ina na madalas mapanood sa TV at pelikula – mahirap, losyang at pangkaraniwan ang suot na damit.

This time, ipinakita ni Ibyang ang iba pang klase ng ina na may class, sosyal pero palaban.

Kaya hindi maitago ng premyadong aktres ang lubos na pasasalamat sa direktor nilang si Connie Macatuno sa mga pahayag niya.

“Direk Connie, sobrang salamat at first time talaga akong gumanda sa screen. Ha-hahahaha! Salamat sa pag-aalaga, salamat talaga!” saad ni Sylvia.

Nagpasalamat din si Ibyang sa mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa paggawa ng de kalidad na pelikula. “Gawa po kayo ulit ng mga pelikulang may puso’t aral! Congratulations po!” bati niya sa mag-ina.

Kinilig din si Ibyang sa mga eksena nina Sofia Andres at Diego Loyzaga, “Nakakakilig di pilit,” aniya.

Hindi lang ganda ng aktres ang kaabang-abang sa “MG.” Palung-palo rin ang kanyang acting at damang-dama ang pagiging ina niya kay Sofia.

Sa panig naman ni Sofia, nakakabilib din ang kanyang acting bilang pasaway na anak, mahina at makasarili.

“Nakakatuwa si Sofia kasi bawat eksena namin, kumukonek yong bata sa akin, nagpapakaanak talaga kaya ang lakas lumabas ng chemistry sa screen,” sabi naman niya tungkol kay Sofia.

Binigyan naman ng bagong atake ang pelikula kaya fresh na fresh ang dating. Typical story ito ng mag-ina ngunit binigyan ng twist ng writer na si Gina Marissa Tagasa.

Simple pero touching ang “Mama’s Girl.” Hindi ito ‘yung tipong nangangaral, natural na natural lang ang akting ng lahat ng cast.

Read more...