I-text kay Madam Sophia 6/21/2013

Mula kay Myrna ng Iloilo City. January 1, 1996 ang birthday ko. Sinu-sino ang ka-compatible ko.
Tugon ni Madam Sophia:
Ka-compatible ng birthday mong January 1, 1996 silang mga lalaking isinilang sa petsang 4, 13, 22, 31, 8, 17, 26, 7, 16, 25, 5, 14 at 23, higit lalo silang may zodiac sign na Virgo, Taurus, Cancer at kapwa mo Capricorn.
>>>
Mula kay Amy Lucille Dayon ng Tacurong City. September 19, 1977 ang birthday ko. Magkakabalikan pa ba kami ng aking asawa?
Tugon ni Madam Sophia:
Depende sa birthday ng asawa mo kung magkakabalikan pa kayo o hindi na. Kung siya ay isang Libra na may birth date na 8, 17, 26, 1, 10, 19, 28, 9, 18 at 27 hindi na kayo magkakabalikan, subalit kung siya ay isang Libra na may birthday na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 4, 13, at 22, magagawa mong ibalik siya sa piling ng inyong pamilya, basta’t ginusto mo.

Read more...