Magkakasunod na lindol sa Biliran naitala

Niyanig ng magkakasunod na lindol ang Biliran kaninang umaga.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang magnitude 3.8 lindol alas-4:43 ng umaga. Ang sentro nito ay 15 kilometro sa kanluran ng Naval at may lalim na 10 kilometro.
    Nakapagtala ang mga instrumento ng Phivolcs ng Intensity III sa Naval at Intensity I sa Catbalogan City.
    Makalipas ang limang minuto ay naramdaman ang magnitude 3.4 lindol sa probinsya. Ang sentro nito ay 19 kilometro sa kanluran ng Naval at may lalim na 12 kilometro.
    Naramdaman ang Intensity III sa Naval at Intensity II sa Catbalogan.
    Alas-5:08 ng umaga ng maramdaman ang magnitude 2.5 lindol at ang sentro nito ay 20 kilometro sa kanluran ng Naval. May lalim itong pitong kilometro.
    Nagresulta ito sa Intensity II paggalaw sa Naval.

Read more...