NA-BASH nang husto ang isang female fan ni Daniel Padilla na nagpa-selfie sa bida ng La Luna Sangre.
The female fan with the Twitter handler @chedigusay (Chariss Jedidiah) took to Twitter to defend herself from the bashing all because she said na kinuha ni Daniel ang kanyang cellphone number.
Ang haba ng post niya sa Twitter. Initially, she recalled how excited she was when finally nagpa-selfie na siya kay Daniel.
“Uy niyakap pati ako ni DJ. HAHAHAHA! AYOKO NA SIGE NA. TUMBLING NA MAMSH. Kaasar nawawala poise ko dito.”
“Ngayon masasabi ko na talaga kung gaano kahaba ang hair ni Kathryn Bernardo, kung gaano siya kaswerte sa isang Daniel Padilla.
“Mula naging fan ako sinusundan ko si DJ sa mall shows, tapings and concerts pero never ako nagkaroon ng picture w/ him. Ngayon meron na.”
“So after ko magpapicture kay Daniel, sabi ng mga kasama niya ‘ang swerte naman maging isang Daniel Padilla’. OMGGG tapos nakipagkilala sakin yung friends and ibang celebrities na kasama niya. Sobrang bait, sobrang approachable at nakipagchikahan pa samin ni mommy.”
“Okay, so nainom ko ng straight yung cocktail ko dahil kinuha ni DJ ang phone number and name ko. YES NAMAN MGA ATE GIRL. BEST DAY EVER FOR A FAN LIKE ME!!!”
Later, she was bashed, lalo na ng loyal at die hard fans nina DJ at Kathryn Bernardo kaya naman idinepensa niya ang kanyang sarili sa mga nang-aaway sa kanya.
“Alam ko at alam ng buong mundo na DJ is for Kath and Kath is for DJ. As a fan, ayun din ang pinaniniwalaan ko. Wala akong intensyong masama. You guys are jumping into conclusions. Wag maparanoid. Just be positive!”
Samantala, sa La Luna Sangre ay binuhay ni Sandrino (Richard Gutierrez) si Tristan (Daniel) sa pamamagitan ng kanyang dugo. Naniniwala si Sandrino na si Tristan lang ang makapapatay kay Malia (Kathryn).