Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nirerespeto ng Malacanang ang naging kautusan ng SEC.
“The Security and Exchange Commission (SEC) is empowered to determine the legality of corporations. We respect the SEC decision that Rappler contravenes the strict requirements of the law that the ownership and the management of mass media entities must be wholly-owned by Filipinos,” sabi ni Roque.
Pinayuhan naman ni Roque ang Rappler na iapela ang kautusan.
“Rappler may wish to exhaust all available legal remedies until the decision becomes final,” ayon pa kay Roque.
Matatandaang unang kinuwestiyon ni Pangulong Duterte ang totoong may-ari ng Rappler sa pagsasabing ito’y pag-aari ng banyagang korporasyon.