Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11:20 ng gabi ang magnitude 5.0. Ang sentro nito ay 30 kilometro sa Paluan at may lalim itong pitong kilometro.
Nagresulta ito sa pagyanig na may lakas na Intensity IV sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro; Intensity III sa Sablayan, Occidental Mindoro; Intensity II sa Pola Oriental Mindoro, Quezon City, Pasay City at Malolos, Bulacan. Intensity I naman sa Coron, Palawan.
Alas-11:49 ng gabi ng maramdaman naman ang magnitude 5.2 alas-11:49 ng gabi. Ang sentro nito ay 26 kilometro sa Paluan at may lalim na 21 kilometro.
Nagdulot ito sa Intensity IV sa Paluan at Mamburao; Intensity III sa Quezon City at Tagaytay City; Intensity II sa Maynila, at Calatagan, Batangas; at Intensity I sa Nasugbu, Batangas.
Ang dalawang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate at inaasahan ang pagkakaroon ng aftershock.
Ala-1:30 ng umaga ng maramdaman ang magnitude 2.8 sa Paluan.
Nasundan ito ng magnitude 3.1 alas-12:57 ng umaga sa Paluan.
5.2 magnitude na lindol naitala sa Oriental Mindanao, ramdam hanggang NCR
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...