Impeach Sereno pormalidad na lang pero…

Pormalidad na lamang umano ang kulang sa pag-impeach ng Kamara de Representantes kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Pero itutuloy pa rin ng House committee on justice ang kanilang pagdinig upang makabuo ng matibay na kaso at mapatalsik sa puwesto si Sereno.
Ito ang sinabi ng chairman ng komite na si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali bago ang pagdinig ngayong araw kung saan inaasahang haharap bilang testigo sina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Samuel Martires.
“Minsan ako ay natanong, sabi ko the writing is already on the wall. Kaya kami dito ay pinatitibay na lang namin kung ano ang pagtatapusan namin sa paggawa ng articles of impeachment,” ani Umali.
Maaari umanong magsagawa ng siyam o 10 pagdinig bago ito tapusin ng komite at ipadala sa plenaryo ng Kamara upang pagbotohan.
“Sa aking pansariling kaisipan lang, ang nakikita ko po [matatapos ng] Pebrero. Siguro kakailanganin natin dito ng mga nine or ten hearings pa,” dagdag pa ng solon.

Read more...