Actor-producer nakabili ng 7 lote sa sosyal na private resort, ipapamana sa mga anak


MADALING araw pa lang ng nakaraang Lunes ay nakagayak na kami en route to a provincial bus terminal, patungo kasi kami sa isang bayan in the northern part of Luzon to see a friend.

First time kaming makakarating sa bayan na ‘yon, but our second time in the province after more than two decades.

Not exactly a frequent lone traveler, there was an odd mix of excitement and tension. Basta ang alam namin, hardly with a wink of sleep ay sa biyahe na kami matutulog.

But the rural sights made us stay awake all throughout the trip until we reached ‘yung mismong babaan, a common terminal where—grrrr!—bawal ang smoking in public.

Mula sa bayan na a-ming destinasyon, after a quick bite ay all set na kami—and our group—to another town.

Doon kasi matatagpuan ang island resort na siyang pakay ng aming biyahe. Nadadaanan lang namin ang electronic billboard ng lugar na ‘yon, there isn’t much curio-sity building up in us sa tulad naming hydrophobe.

With a property consultant na nagsilbing tour guide, narating din namin ang resort. Masakit sa puwet ang malayu-layo ring biyahe, but we thought we’d get “rewarded” in exchange for the ordeal.

True enough, the reward came nang matuklasan namin ang ilan sa mga celebrities who have so far bought properties sa lugar na ‘yon: isang mag-asawa, isang komedyana, and to top it all, an actor-producer.

Pinakabongga sa lahat ang aktor-produ. As we were riding a golf cart that went around the sprawling resort ay panay ang nguso ng aming tour guide.

Napadako kami sa isang two-storey model house overlooking the sea, situated within one of its prime subdivisions.

“Dito sa tapat nito nakabili ng limang lote si (pangalan ng actor-producer),” sabay turo ng tour guide sa nakahumon nang tigtu-200 metro kuwadradong lupa. Natural, ang probing question would be, “Magkano naman nabili ‘yan ng ‘lolo’ mo?”

Ilang taon na palang na-acquire ang limang magkakatabing lote ng actor-buyer priced at—noong panahong ‘yon—P3,000. Sa ngayon daw ay aabot na ang value ng kada lote with the same size sa P12,000 per sq. m.

Kung bakit limang lote is obviously because ‘yun na ang mukhang ipamamana ng actor-buyer sa kanyang limang anak, pero bahala na ang mga ito na patayuan ‘yon ng bahay.

Lulan pa rin ng golf cart, way past the subdivision ay isang malawak na nine-hole golf course around which ay pina-patag ang lupa para patayuan ng mga bahay.

“Nakabili rin siya dito, dalawang golf residences na 500 square meters each,” tsika uli ng tour guide. Siya na rin ang nagpaliwanag kung bakit dalawang property ang nakursunadahang bilhin ng actor-producer.

“For sure, para na ‘yon sa kanila ng karelasyon niya ngayon. ‘Di ba, may anak na sila? Baka du’n din ‘yon sa susunod na magiging anak nila, puwedeng-puwede pa namang magbuntis ‘yung girl,” aniya.

Oo naman, they’re meant to be.

Read more...