Alert level 2 itinaas sa Bulkang Mayon

ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang Alert Level 2 sa Bulkang Mayon.
    “This serves as a notice for the raising of Mayon Volcano’s status from Alert Level 1 (abnormal) to Alert Level 2 (increasing unrest),” saad ng advisory ng Phivolcs.
    Ayon sa Phivolcs nagkaroon ng isang steam driven explosion sa Mayon kahapon. May taas na 2500 metro ang pagsabog.
    “Based on seismic records the activity started around 4:21 PM of January 13, 2018 and lasted approximately 1 hour and 47 minutes.”
    Nagkaroon ng ashfall sa Barangay Anoling sa bayan ng Daraga, Barangay Sua, Quirangay, Tumpa, Ilawod at Salugan sa Camalig at Barangay Tandarora, Maninila at Travesia sa Guinobatan.
    “Prior to this phreatic eruption, Mayon’s edifice has undergone inflationary changes or a slight swelling of the edifice as indicated by ground deformation data recorded by continuous GPS and tilt since October and November 2017, respectively. This indicates pressurization of the edifice by rising magma or its perturbation of Mayon’s subsurface hydrothermal system.”
    Alas-8:49 ng umaga ng muling magkaroon ng phreatic eruption na tumagal ng limang minuto.
    Maaari umano na magkaroon pa ng mga phreatic eruptions o hazardous magmatic eruptions kaya ipinapayo sa publiko na huwag pumasok sa 6-kilometr radius Permanent Danger Zone.
    Pinapayuhan din ang mga piloto na huwag dumaan sa bukana ng bulkan.

Read more...