Horoscope, January 14, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito laging magpasalamat kay Lord upang lalo pang dumami ang salapi at madoble ang mga biyayang natatangap. Sa pag-ibig, kahit hindi perpekto ang kasuyo, mahalin mo pa rin at ipagpalasmaat ang pagdating niya sa buhay mo. Mapalad ang 5, 16, 23, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Silver at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Tuloy-tuloy ang dating ng suwerte, kaya naman sa pinansyal, lalo pang lalago at darami ang kikitain mo habang lumamaig ang panahon. Sa pag-ibig magiging mapalad, at maligaya, ang suyuan habang patuloy kang pinagpapasensyahan ng mabait mong kasuyo. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Pink at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa taong ito sa produktong pagkain kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, paghandaan ang susunod na pakikipag-date sa kasuyong masarap romomansa. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tantra-Om-Savitra.” Maroon at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa taong ito ng 2018 dininig ng langit ang iyong dalangin, kaya naman higit sa inaasahan ang iyong makakamit! Sa buwan ng Pebrero biglang madodoble ang kita. Sa pag-ibig, sopresa ang magaganap, kakaibang init at sarap ang ipadadama ng kasuyong payat. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhama-Aum-Yoti.” Lilac at purple ang buenas
Cancer – (June 22- July 22) — Sa taong ito panatiliin ang kapayapaan ng isip at kalooban. Sa payapang kaisipan at kuntentong kalooban, mas maraming biyaya ang darating. Sa pag-ibig, matatagpuan ang true love sa isang romantikong lugar. Mapalad ang 6, 18, 22, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami-Om.” Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito tandaang hindi baling maliit ang kinikita, ang mahalaga kahit maliit ang kinikita matuto kang mag-ipon. Sa pag-ibig, isang Aries ang lihim na nagnanasa sa ‘yo, mapalad ka dahil biglang may mabubuo na isang masarap at nakasasabik na romansa. Mapalad ang 4, 10, 25, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Regama-Om.” Yellow at black ang buenas
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito ipriority ang pamilya at career, sa ganyang paraan magtatagumpay ka at magiging maligaya. Sa pag-ibig panahon na upang kalimutan ang isang illicit love affair na bigla na lamang na dumating. Maapalad ang 1, 9, 14, 23, 27 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om-Tetra.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kung talagang mahal mo ang iyong kasuyo hindi mo siya dapat bigyan ng sama ng loob! Sa pag-ibig at pinansyal, kung lagi kayong magkasundo ng iyong minamahal, mas maraming biyaya ang darating. Mapalad ang 3, 18, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Obre-Aum-Timbre.” Magenta at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pinansyal, sayang ang kikitain, kung patuloy kang magtatamad-tamaran. Tandaan mong “Ang oras ay may katumbas na malaking halaga ng salapi.” Sa pag-ibig, sipagan ang pakikipag-communicate sa kasuyo upang hindi siya mawala sa buhay mo. Mapalad ang 7, 11, 29, 32, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Dosha-Om.” White at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Magusot ka ng kulay na red. Sa ganyang kulay ng kasuutan, may malaking halaga ng salapi kang matatanggap, habang sa pag-ibig mas sasarap pang lalo ang ugnayan ninyo ng kasuyo mon mahilig. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Bukod sa red, ang pink din ay buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan. Sa taong ito ng Aso may babala na maracket at maloko ka na naman. Sa pinansyal, isipin munang mabuting-mabuti bago maglabas ng malaking halaga sa anumang transakyong papasukin. Sa pag-ibig, magpatago ng pera sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 1, 13, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Kaliyuga-Om.” Orange at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa taon ito ng 2018 umasa kang isa-isa ng mawawala ang mabibigat na problemang kumubabaw sa iyo noong nakaraang taon. Mangyayari, sa tulong ng isang balingkinitan na medyo payat at tahimik na nilalang, pero masarap kasama. Sa pag-ibig, sabihin sa iyong puso: “Pahinga ka muna upang hindi na muling lumuha!” Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Upanisad-Jivada-Om.” Pink at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito pangalagaan ang kasulusugan! Dagdagan pa ang regular na pag-e-ehersisyo araw-araw. Sa pag-ibig, ang pakikipag-romansahan sa kasuyong Cancer ang magpapalakas ng immune system. Mapalad ang 9, 27, 33, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at blue ang buenas

Read more...